Thursday, December 12, 2019

 Awitin ng Paghehele ng mga Taga-Didinga/Lango

Isinalin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida


"Ang Awit ng Ina sa Kanyang Panganay"

                                                                  
Image result for mom and son clipart




1.PAGKILALA SA MAY-AKDA

Related image
Ang akdang ito ay nagmula sa Uganda, Africa. Naisulat ito dahil ang nagsulat ay isang anthropologist o nakatuon sa pag aaral ng mga kultura ng ibang taonang siya ay na destino sa Uganda ay napansin niya na ang mga kababaihan ay lumilikha ng tulang kanilang inaawitIto’y isa sa mga kaugalian    ng tribong Lango o Didinga ng Uganda na                                        naniniwalang ang kanilang mga supling ay 
                                   tila imortalidad ng kanilang mga magulang.


2.URI NG PANITIKAN


Ito'y isang tula,na mayroong malayang taludturan,walang sukat at tugmaanAng tula na ito ay ibinibigkas ng paawitisang panghele ng ina sa kanyang anak.


3.LAYUNIN NG AKDA

Dito ay ipinapakita na kahit sanggol pa lamang ay ibinibigay na lahat ng ina ang kanyang makakaya upang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak ipinakita din dito ang labis na pagmamahal ng ina kahit ito'y sanggol pa lamang.


4.PAGLALAPAT NG TEORYANG PANITIKAN

IMAHISMO


Nagpapakita ng imahinasyon ang Ina sapagkat iniisip niya ang kinabukasan ng kanyang Anak. Nagbibigay ng maraming simbolo.


REALISMO

Nagkaroon ng Realismo sapagkat ang mga Inang mahal na mahal ang kanilang Anak na nangyayari sa realidad.

5.TEMA O PAKSA NG AKDA

- Pagpapakita ng ina na walang hangganan ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak.
- Pagpapakita ng malaking pangarap ng isang ina para sa kanyang anak.


6.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA




Ina - Kahit sanggol palang ang kanyang Anak ay ibinibigay niya ang kanyang buong pagmamahal at makakaya para matustusan ang pangagailangan ng kanya Anak.

Anak - Ang pinakamamahal at nagbibigay kasiyahan sa Ina.




7.TAGPUAN/ PANAHON
Ang tagpuan nito ay sa tahanan dahil dito kinausap ng ina ang sanggol ng taimtim.


8.NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI



Kung ating bibigyang pansinito ay isang tula na inaawit upang maipahayag ang mga ninanais. Ang mga pangyayari rito ay makatotohanangaya ng paglalarawan sa akda kung gusto anong klaseng mandirigma ang gusto niya para sa kanyang anak.

9.MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
  
  -Mga pangarap ng ina sa kanyang sanggol.
-Labis na kasiyahan ng ina sa biyaya na ibinigay sa kanya.
 -Ang lubos lubusang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.

10.ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

  Naging epektibo ang paraan ng paggamit ng salita dahil napalahad ng ina ang kanyang karamdaman sa kanyang panganay. Naging epektibo rin ito sa pagbibigay na mas makulay pero madali paring maunawan ang akda. Naging masinig ang pagkasulat dahil sa maayos na daloy ng akda at ang mga matatalinghagang salitang ginamit. Dahil dito maaring masabi na mahusay na akda ito, at higit pa sa mga mambabasa na ganitong uri ng pagsulat ang kanilang panlasa.

11.BUOD

   Ang tulang ito ay tungkol sa ina binigyang biyaya ng diyos at ito’y isang sanggolsa tulang ito matutunghayan ang pagmamahal ng isang ina,pagpili sa magiging pangalan ng kanyang anak at pagiisip niya sa magiging kinabukasan nito.






    



Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota






"MULLAH NASSREDDIN"
ni M. Saadat Noury
Halaw at salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida


Image result for MULLAH MULLAH NASSREDDIN"


Image result for author clipart"1. PAGPAPAKILALA SA MAY AKDA
        
Si M. Saadat Noury ang nag sulat ng "Mullah, ang unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota". layunin nya para makalilala ng mga tao si Mullah Nassreddin na may malaking ambag sa panitikan ng mga Islam


   






2. URI NG PANITIKAN

Image result for biography"



Ito ay isang Biograpiya dahil nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon tungkol kay Mullah Nassreddin.








3. LAYUNIN NG MAY AKDA
  Layunin ng akda ipakilala si Mullah Nasserdin na may malaking ambag sa panitikan ng Islam at may mga naisulat na panitikan na sikat sa daigdigang pampanitikan.


4. PAKSA
  Ang paksa sa anekdota ng Mullah Nassreddin ay tao, mga taong kilala sa ibat-ibang larangan ng buhay. Upang ipabatid ang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Pinaksa dito ang naging gawi at kilos ni Mullah Nassreddin.


5. MGA TAUHAN
  
Image result for mullah nassreddin"


 Si Mullah Nassreddin na kilala bilang (MND) ang pinakamahusay sa pag kukuwento ng katatawanan nunit may mga aral sa kanilang bansa. Tinagurian din syang alamat ng sining sa pag kwekwento dahil sa mapag biro at puno ng katatawanang estilo sa pag sulat. Nag pa salin salin sa bibig ng mga tao ang kanyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.






6.TAGPUAN 
Image result for old teahouse iranian"



Ang tagpuan ni Mullah Nassreddin sa kanyang mga Anekdota ay minsan sa entablado o minsan naman sa isang tea house.




7. Nilalaman ng Akda
  Sa mga pangyayaring naganap, masasabi mong ito'y kakaiba. Dahil makikita't mababasa mo na puno o puro ito katatawanan na maaari mong paglibangan ng oras, ngunit kahit puno ito ng kakatawanan at ito'y napakatagal, mapupulutan mo pa rin ito ng aral.


8. Mga kaisipan mula sa mga Anekdota ni MND
a) Dapat tayo maging mapagkumbaba at tumanggap ng ating mga pagkakamali.

b) Ang kasinungalingan, kahit kailan, ay hindi mo ito maitatago.

9. ESTILO NG PAGSULAT NG MAY AKDA
  
Image result for paul writing bible"

Ang estilo ng pag sulat ay masasabing masining at epektibo dahil ito ay
nagbibigay ng kasiyahan, naging sikat at patuloy na tinatangkilik ng mga mambabasa mula noon hanggang sa kasalukuyan.








10. Buod

Si Mullah Nassreddin o Mullah Nassr-e Din ay kilala rin sa tawag na "MND" at isang taga Iranian na nagkukuwento ng mga katatawanan. Sinasabing naka pagsulat siya ng libo-libong nakakatawa at pag iisipang mga kwento. Ngunit inaangkin ng ibang bansa ang kanyang pagkaka mamamayan. Itinuturing siya bilang dalubhasa sa pagsusulat ng mga anekdota. Nagpasalin salin ang kanyang mga kwento sa mga programa, radyo, at mga palabas sa telebisyon sa iba't ibang bansa sa daigdig.












Bawal ang anak na lalaki

  ‘ ’BAWAL ANG ANAK NA LALAKI’’ (No Sons! A Superhero Tale of Africa, Isang Epiko mula sa Congo)   Ni Aaron Shepard (retold) ...