Awitin ng Paghehele ng mga Taga-Didinga/Lango
Isinalin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida
"Ang Awit ng Ina sa Kanyang Panganay"
1.PAGKILALA SA MAY-AKDA
Ang akdang ito ay nagmula sa Uganda, Africa. Naisulat ito dahil ang nagsulat ay isang anthropologist o nakatuon sa pag aaral ng mga kultura ng ibang tao, nang siya ay na destino sa Uganda ay napansin niya na ang mga kababaihan ay lumilikha ng tulang kanilang inaawit. Ito’y isa sa mga kaugalian ng tribong Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay
tila imortalidad ng kanilang mga magulang.
2.URI NG PANITIKAN
Ito'y isang tula,na mayroong malayang taludturan,walang sukat at tugmaan. Ang tula na ito ay ibinibigkas ng paawit, isang panghele ng ina sa kanyang anak.
3.LAYUNIN NG AKDA
Dito ay ipinapakita na kahit sanggol pa lamang ay ibinibigay na lahat ng ina ang kanyang makakaya upang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak ipinakita din dito ang labis na pagmamahal ng ina kahit ito'y sanggol pa lamang.
4.PAGLALAPAT NG TEORYANG PANITIKAN
IMAHISMO
Nagpapakita ng imahinasyon ang Ina sapagkat iniisip niya ang kinabukasan ng kanyang Anak. Nagbibigay ng maraming simbolo.
REALISMO
Nagkaroon ng Realismo sapagkat ang mga Inang mahal na mahal ang kanilang Anak na nangyayari sa realidad.
5.TEMA O PAKSA NG AKDA
- Pagpapakita ng ina na walang hangganan ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak.
- Pagpapakita ng malaking pangarap ng isang ina para sa kanyang anak.
6.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Ina - Kahit sanggol palang ang kanyang Anak ay ibinibigay niya ang kanyang buong pagmamahal at makakaya para matustusan ang pangagailangan ng kanya Anak.
Anak - Ang pinakamamahal at nagbibigay kasiyahan sa Ina.
7.TAGPUAN/ PANAHON
Ang tagpuan nito ay sa tahanan dahil dito kinausap ng ina ang sanggol ng taimtim.
8.NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Kung ating bibigyang pansin, ito ay isang tula na inaawit upang maipahayag ang mga ninanais. Ang mga pangyayari rito ay makatotohanan, gaya ng paglalarawan sa akda kung gusto anong klaseng mandirigma ang gusto niya para sa kanyang anak.
9.MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
-Mga pangarap ng ina sa kanyang sanggol.
-Labis na kasiyahan ng ina sa biyaya na ibinigay sa kanya.
-Ang lubos lubusang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.
10.ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Naging epektibo ang paraan ng paggamit ng salita dahil napalahad ng ina ang kanyang karamdaman sa kanyang panganay. Naging epektibo rin ito sa pagbibigay na mas makulay pero madali paring maunawan ang akda. Naging masinig ang pagkasulat dahil sa maayos na daloy ng akda at ang mga matatalinghagang salitang ginamit. Dahil dito maaring masabi na mahusay na akda ito, at higit pa sa mga mambabasa na ganitong uri ng pagsulat ang kanilang panlasa.
11.BUOD
Ang tulang ito ay tungkol sa ina binigyang biyaya ng diyos at ito’y isang sanggol, sa tulang ito matutunghayan ang pagmamahal ng isang ina,pagpili sa magiging pangalan ng kanyang anak at pagiisip niya sa magiging kinabukasan nito.
No comments:
Post a Comment