Paglisan
Nobela mula sa nigeria
Ni Chinua Achebe
Isinalin ni Julieta Rivera
1. Pagkilala sa may akda
CHINUA ACHEBE
-ay ipinanganak noong Nobyembre 16, 1930 sa nigeria.
-isa siya sa nobelista,makata,propesor, at kritiko.
-ang una niyang sinulat na "Things fall apart" noong 1958 ay isa sa kanyang pinakamahusay na gawa. Ang nag-udyok sa kanyang karanasan ay tungkol kung saan ang kanyang magulang ay nagpalit ng relihiyon. Ang kwento ng paglisan ay isang tradisyon na hindi makaka-angkop sa pagbabago ng mga kondisyon mula sa literaturang Aprikano.
2. Uri ng Panitikan
Nobela
-ang uri ng panitikan nito ay nobela dahil ito ay naglalahad ng pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pangunahing sangkap ay ang pagkalabas ng hangarin ng bayani. Ito ay isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
3. Layunin ng Akda
-Layunin ng akdang ito na ipakita ang kultura ng nigeria. Layunin din nito na ipakita ang diskriminasyon(Okonkwo at sa kanyang ama) at ang epekto ng relihiyon.
4. Paglalapat ng Teoryang pampanitikan
1. Teoryang Sosyolohikal - ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. And akda rin ay naging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.
2. Teoryang Humanismo - makikita ang pananaw na nagbibigay-diin sa pagkatao ng mga tauhan sa akda.
5. Tema o paksa ng kwento
-Ang unang tema ay "Ang paglipat o pagpili sa pagbabago o pananatili sa kinagisnan ng tradisyon" dahil sa labanan sa pagitan ng kultura ng katutubong Aprika at ng impluwensiya ng mga puting Kristyanong misyonero.
-pangalawang tema ay "Kung ano ang puno, siya rin nga bang bunga?" Dahil sa iresponsable ang kanyang ama ay gusto niyang patunayan na hindi siya katulad nito kaya kahit hindi na niya nais ang kanyang mga desision ay ginagawa nya para lang mapatunayan ang sarili.
6. Mga tauhan sa akda
1. Okonkwo - isang matapang at respetadong mandirigma na nagmula sa lahi ng mga Umofia.
2. Ikemefuna - isang lalaki mula sa Mbaino, na ibinigay sa Umofia bilang kabayaran sa pagpatay ng isang babaeng Umofia.
3. Unoka - Siya ang ama ni Okwonko. Sa kabila ng pagiging musikero, siya ay tamad at iresponsable kaya't siya ay nalubog sa utang.
4. Obierka - ang matalik na kaibigan ni Okonkwo na nagbibigay ng payo rito.
5. Ezinama - Anak na babae ni Okonkwo na nagkasakit.
6. Ogbuefi Ezeudu - isa sa matatandang taga-Umofia na lihim ipinaalam ang planong pagpapatay kay Ikemefuna. Siya ang nagbigay babala kay Okonkwo na huwag makielam sa planong ito.
7. Uchendu - Ang tiyuhin ni Okonkwo na malugod siyang tinatanggap ng Mbanta.
8. Ginoong kiaga - isang intreprenuer.
9. Ginoong Brown - lider ng mga misyonero na kuamusap sa mga taga-Mbanta.
10. Rev. James Smith - isang malupit na bugnuting misyonero na pumilit kay G. Brown nung ito'y nagkasakit.
7. Tagpuan o Panahon
Ang tagpuan ay sa bansang Umofia. Nigeria na matatagpuan sa Africa. Ang tagpuan ng natulang nobela ay sa Nigeria. Dito ang makikita ang tribong Umofia kung saan nagmula si Okonkwo. Sa Mbanta ipinatapon si Okonkwo pagtapos ang kanyang krimeng nagawa.
8. Nilalaman o Balangkas ng pangyayari
-unang ipinapahayag ang problema sa buhay ng bida na naging dahilan para mabuo ang katangiang meron siya ay katapangan.
-Naipapakita ang diskriminasyon sa relihiyon at pagkukumpara sa mga kamag-anak.
-Sa nobela na ito ay maraming emosyong mararamdaman ang mga mambabasa nito.
9. Mga kaisipan o teoryang taglay ng akda
Ang tagpuan ay sa bansang Umofia. Nigeria na matatagpuan sa Africa. Ang tagpuan ng natulang nobela ay sa Nigeria. Dito ang makikita ang tribong Umofia kung saan nagmula si Okonkwo. Sa Mbanta ipinatapon si Okonkwo pagtapos ang kanyang krimeng nagawa.
8. Nilalaman o Balangkas ng pangyayari
-unang ipinapahayag ang problema sa buhay ng bida na naging dahilan para mabuo ang katangiang meron siya ay katapangan.
-Naipapakita ang diskriminasyon sa relihiyon at pagkukumpara sa mga kamag-anak.
-Sa nobela na ito ay maraming emosyong mararamdaman ang mga mambabasa nito.
9. Mga kaisipan o teoryang taglay ng akda
Huwag na huwag tayong gagawa ng mga aksiyon na sa huli'y sarili lang din natin ang mahihirapan. Dapat ay isipin na muna natin ito ng maigi upang hindi tayo magsisi sa magiging resulta nito.
10. Estilo ng pagkakasulat ng akda
Ang salitang "paglisan" ay maayos na naipahayag at nailarawan at madali rin itong maunawaan dahil sa ginagamit na madadaling salita. Ang ibang parte ay ginagamitan ng malalalim na salita ngunit ang kwento ay maayos parin na naiilalahad.
11. Buod
Ang nobela ay tungkol sa isang matapang at respetadong mandirigma mula sa Umuofia na si Okonkwo. Dahil dito, kinilala si Okonkwo sa buong Umuofia hanggang Mbaino. Dumaan pa ang mga panahon ay marami pang mga pagkakataon na ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang nilalaman ng kanyang loob para sa amang si Unoka. Dahil dito, siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo at siya ang pinili ng mga ka-nayon upang ipagtanggol si Ikemefuna. Dahil sa pagkamatay ni Ikemefuna ay umuwi si Okonkwo nang magisa na hindi maayos ang lagay. Lumipas ang mga panahon, nabalitaan na lamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi Ezeudu, ang matandang nagbigay sa kanya ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Pina-aresto ang mga dumalong pinuno ng Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang mga bilanggo at napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner si Okonkwo para sa isang pandinig ngunit natagpuan nilang naka-bigti si Okonkwo.
No comments:
Post a Comment