- Ang nagsulat at gumihit ng "Le Petit Prince" ay kinilalang Antoine de Saint-Exupery. Isa siyang piloto sa France at isa din sa lumaban noong ikalawang digmaan na kaya't madami ang rumerespeto at humahanga sa kaniya. Ang naging dahilan ng paglikha ng kaniyag kinikilalang akda noong siya ay nagcrash landing sa desyerto ng Sahara at binase niya ang storya sa kanyang kabataan at sa karanasan sa pagiging piloto.
B. Uri Ng Panitikan
- Ito ay nobela na nahahati sa 27 na kabanata upang mas mailahad ang layunin ng may akda ng masinsinan at upang hindi maguluhan ang mambabasa. Ang bawat salita na ginamit sa akda ay mababw upang maunawaan ng mga bata o matatanda. Ang naging tono ng kabuuan ng storya ay malungkot dahil sa nagiisa sa isang malawak na disyerto ngunit inaalala niya ang kaniyang kabataan upang ito ay matakpan.
C. Layunin Ng Akda
- Ang naging layunin ng akda ay dapat huwag lamang ang mga mata ang gagamitin upang bumase. gumamit din ng puso upang makita ang totoong kahalagahan.
D. Paglapat Ng Teoryang Pampanitikan
- Ang Teoryang pampanitikan sa storya ay masasabing MORALISTIKO sapagkat ang storya ay nagtataglay ng aral. Ang aral ay "sa kahalagahan ng pagtingin sa mga bagay o tao gamit ang puso at hindi ng mga mata" at ito ay matatagpuan sa kabanata 19-21
- At teoryang KLASISMO, sapagkat pili ang mga salita at ito ay nagtatapos sa kaayusan at hindi nalalaos, masasabi rin itong Klasismo dahil sa kasalukuyan ay nagagamit pa rin ang akda.
E. Tema O Paksa Ng Akda
- Ang tema o paksa na matatagpuan sa storya ay nasa Kabanata 19-21. Ito ay ang regalo ng alamid sa prinsepe bago sila maghiwalay. "Ang kahalagahan ng pagtingin sa mga bagay o tao ay gamit ang puso at hindi ang mga mata".
F. Karakter
- Maraming karakter na nagpabago sa pagiisip ng munting prinsipe, una ang rosas na nagturo sa kanyia kung ano ang pagmamahal. Ang alamid na tinuro sa kanya na ang puso ang nakakakita mga mahahalaga, at mga iba pang nakilala ng prinsipe na nagpakita sa kanya kung ano mga kaugalian ng mga matatanda kapag nakalimot sa nakaraan at ang huli ang piloto na makikita sa storya na nagkukwento rin ng daloy ng storya.
G. TAGPUAN/PANAHON
- •Ang prinsipe ay nakatira sa isang maliit na asteroid na may 3 bulkan at isang rosas, ito ay kanyang iniwanan at naglakbay sa mga iba't-iba pang asteroid na mas maliit o mas malaki kumpara sa kanyang asteroid. At sa desyerto ng Sahara sa Africa noong siya ay bumaba sa Earth, tinahak din ng prinsipe ang matataas na bundok at ang hardin na puno ng mga rosas
H. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
- Ang bawat kabanata at bawat pangyayari ay nagtataglay ng iba't-ibang pangyayari ngunit ang layunin ay naguhulog sa iisang aral lamang
I. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG MAY-AKDA
- Ito ang mga sumusunod:
•Ang totoong kahalagahan ay nakikita ng puso at hindi ng mata.
•Ang bawat bagay ay may espesyal katangian at ito ay naiiba sa bawat indibidwal.
Ang karanasan sa paglalakbay ay nakakapagpabago ng kaisipan
J. Estilo Ng Pagkakasulat Ng Akda
No comments:
Post a Comment