Sunday, January 12, 2020

LONG WALK TO FREEDOM


PAGKILALA SA MAY AKDA


    Ang may-akda ay si Mielad Al Oudt Allah. Ang nag-udyok sa may akda sa paggawa ng kanyang sanaysay ay ang pagiging alipin ng kanyang lahi sa mga puti. Sa kabila ng pagiging alipin ay may isang tao na nagngangalang Nelson Mandela na nagsikap upang makamit ang inaasam-asam na kalayaan.


URI NG PANITIKAN
   Ang uri ng panitikan nito ay sanaysay,na naghahatid o tumatalakay ng isang kaisipan o paksa at nagtuturo ng aral at maihahalintulad ito sa pagkuha ng may akda (Mielad Al Oudt Allah) ng inspirasyon kay Nelson Mandela at pagkuha ng aral mula sa akdang “Long Walk To Freedom”.

LAYUNIN NG  AKDA
Ito ay upang magsilbing aral, inspirasyon tungkol sa pagkapantay-pantay ng bawat isang tao, tagapagmulat ng diwa ng mga taong patuloy na ipinaglalaban ang kanilang kalayaan.

Teoryang pampanitikan

žRealismo-Ang teoryang mailalapat sa akdang aming binasa ay realismo dahil ang mga ilan sa mga pangyayaring nakasulat sa akda ay nangyayari din sa totoong buhay tulad nang nakasulat sa akda na patungkol sa maling pagtrato sa mgaputi” at itim” at sa diskriminasyon na nagaganap.
žBayograpikal-Mailalapat din ang teoryang Bayograpikal sa aming binasa dahil isinasaad ng may akda ang kanyang saloobin sa libro ni Mandela na Long Walk to Freedom
žSosyolohikal – Naipapakita ang ugnayan ng tao (Nelson Mandela) sa lipunan. Ang pangunahing suliraning panlipunan ay kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Tema/Paksa ng      akda
Ang tema sa sanaysay ay tungkol sa pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay pagpigil sa diskriminasyon sapagkat ipinapakita na hindi basehan ang kulay sa pagkakaroon ng tao ng kalayaan nito. Ito ay makabuluhan at napapanahon dahil sa panahon ngayon madami  ang nahuhusgahan base sa kulay at kasarian. Kaya madami silang makukuha at matututunang aral.

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
a. Nelson Mandela
      Siya ay isang anti-apartheidrevolutionary, lider ng pulitika, at pilantropo ng South Africa na nagsilbi bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Siya ang unang itim na pinuno ng bansa at ang unang inihalal sa isang ganap na kinatawan ng demokratikong halalanSiya ang nagsilbing inspirasyon ni Mielad Al Oudt Allah sa paglikha ng sanaysay.
 b.Gadla Henry Mphakanyiswa
      Siya ang ama ni Nelson Mandela na siyang pinuno ng bayan ng Mrezo. Maagang namatay ang kanyang ama at isa ito sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Mandela na iwan ang kinagisnang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
   c. Noqaphi Nosekeni
            Siya ang ina ni Nelson Mandela, dahil kagustuhan ng kanyang ina na magkaroon siya ng magandang kinabukasan ay isa rin sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Mandela na iwan ang kinagisnang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
    d. Gobernador Mqhkezweni
             Nakaimpluwensiya kay Nelson Mandela sa diwa ng demokrasya na nangangahulugang ang lahat ay pantay-pantay .           

TAGPUAN/PANAHON
Maliit na nayon ng Transkei-dito isinilang si Nelson Mandela.
Bayan ng Mrezo-Pinamunuan ng kanyang ama.
Unibersidad ng Timog Africa-Paaralan kung saan nagtapos ng Bachelor of Arts si Nelson Mandela.
Minahan ng Karbon sa Johannesburg-pansamantalang naghanap ng trabaho si Nelson Mandela kasama ang isang kaibigan.
Johannesburg-pook kung saan nakatayo ang sarili niyang kompanya ng panananggol (law firm) na nagbigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mgaitimna kadalasang walang tagapagtanggol.
Timog Africa- Ang bansa kung saan namuno si Nelson Mandela.

NILALAMAN/ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
-Ang paraan ng pag sulat noong sanaysay ay ginagamit ng karamihan kung kaya't masasabi naming ito ay isang gasgas na pangyayariang gustong ihatid na talambuhay ng may akda ay may isang kaisipan. - Ang kakaiba sa nilalamang taglay ay ang patuloy na paglaban ng karakter sa kanyang hinahangad -Ang pangyayari ay may isang pananaw at iyon ay ang makamit ang kalayaang panlahat. -Sa paglalahad ng layunin ni Nelson Mandela nabuo ang balangkas ng sanaysay. -Mayroon dahil sa simula ay isinalarawan at ipinakilala si Nelson at ang mga suluranin kinakaharap ng South Africa. Sa dulo naman ay ang kung saan nagsimula sa musmos at ang ipagtanggol at ipaglaban ang kanyang hangarin. -OpoAng aking natutunan ay magpursigi sa mga hangarin

Mga Kaisipan o Ideyang taglay ng akda
Malaking tulong para sa ating lahat ang Ideyang taglay ng akda dahil ipinapakita  na hindi basehan ang kulay, lahi, at kultura upang magkaroon ng kalayaan at boses ang bawat isa. at lahat tayo ay pantay pantay walang lamang at walang mahina kung may gusto tayong makamit sa ating buhay dapat ito ay paghirapan natin at tayo ay maging matiyaga upang makamit ito.

Estilo ng pagkakasulat ng akda
Sa estilo ng pagsulat ng kwento masasabing epektibo ang pagkaka angkop ng mga salita dahil ang daloy ng kwento ay naiintindihan. Pasok ito sa panlasa ng karamihan dahil ito'y patungkol sa kalayaan, maraming tao ang makaka "relate" sa kwento na ito. Nailarawan din ng maayos ang nilalaman at gustong ipahayag ng kwento dahil maganda ang pagkakasunod sunod ng paglalahad sa kwento at gumamit ang may-akda ng simbolismo sa sanaysay.

BUOD
 Laganap ang opresyon at ang diskriminasyon sa South Africa. Matagal nang dinadanas ng South Africa ang suliraning ito. Ang talambuhay ni Nelson Mandela ay nagbibigay-linaw sa kanyang ambag sa mundo sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa.
Ang kanyang aklat ang humihikayat kay Mielad Al Oudt Allah na may nakatagong “Nelson Mandela” sa bawat isang tao na naghihintay ng tamang oras at tamang pagkakataon para umusbong.
Hindi naging madali ang kabataan ni Mandela at dahil sa mga pagsubok ng buhay ay nahubog at tumibay ang kanyang pagkatao at patuloy na ipinaglaban ang tama.
Lumaki si Mandela sa mundo na kung saan hindi pantay ang pagtingin sa tao. Noong si Mandela ay naging pangulo ng bansang South Africa nakamit na nila ang tunay na kalayaan.
Ang kanyang pantay na pananaw at malakas na paninindigan sa buhay ang siyang nagsaayos ng lahat. Dito naipapakita na ang pananaw sa buhay ng isang tao ay maaaring bumago sa pananaw ng buong mundo.


1)SIYA ANG NAGING SUSI SA PAGBABAGO AT KALAYAAN NG SOUTH AFRICA.
2)DITO
ISINILANG SI NELSON MANDELA.
3)PINAMUNUAN
NG KANYANG AMA.
4)SILA
ANG ITUNUTURING NA LAHI NA MAS NAKAKAHIGIT.
5)SIYA
ANG AMA NI NELSON MANDELA.
6)
Anong uri ng panitikan ito.
7)
Bansa kung saan namuno si nelson mandela. 8)Anong uri ng panitikan ang akda?
9)
Ang lahi na kadalasang walang tagapagtanggol.
10)
Nakaimpluwensiya kay Nelson Mandela sa diwa ng demokrasya na nangangahulugang ang lahat ay pantay-pantay

No comments:

Post a Comment

Bawal ang anak na lalaki

  ‘ ’BAWAL ANG ANAK NA LALAKI’’ (No Sons! A Superhero Tale of Africa, Isang Epiko mula sa Congo)   Ni Aaron Shepard (retold) ...