Thursday, January 16, 2020

El Filibusterismo


                                       






                                   

         
                                  El Filibusterismo
Isinalin ni: Virgilio S. Almario
Mula sa bansang: Pilipinas
Sinuri nila: Angeles, Lirazan, Santos, Hagamann, Pili
                                                
         
1. Pagkilala Sa May-Akda
Ang El Filibusterismo ay karugtong ng Noli Me Tangere. Ito ang pangalawang nobela na isinulat ni ay Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Realonda noong Oktubre 1887 at inilimbag noong 1981. Buong puso itong inihandog ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Apalonio Burgos, at Jacinto Zamora (GOMBURZA). Ito ay nagsilbing isang masining na alaala ng ating yumaong pambansang bayani. Pampolitika na nagpapadama at nagpapahiwatig sa hangaring makamit ang tunay na kalayaan at ng karapatan ng bayan
Image result for jose rizal Image result for gomburza
2. Uri Ng Panitikan
Ito ay isang halimbawa ng Satire Novel. Ang nobela sa wika mismo ng mananakop  ay “nang-uuyam o nanunudyodahil layunin nitong imulat  ang mga Pilipino  maging ang mga dayuhan  sa korapsyon  at hindi makataong panunungkulan ng Espanya at Simabahan sa Pilipinas.  
Image result for el filibusterismo


3. Layunin ng Akda
Magbigay ng kaliwanagan sa kaisipan at mamulat sa realidad ang mga mambabasa  sa mga nangyayaring katiwalian, pang-aabuso at pagmamalupit noong panahon kung kailan ito isinulat.
TEORYANG PAMPANITIKAN:

Klasismo ipinapahay na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos sapagkat ito ay may bisa sa pagpapahayag ng kaisipan ng tao.

Ito ay klasismo sa kadahilanang:
- Nobelang matagal na ngunit may malaking epekto sa ating kasaysayan. 
Ito ay pinag-aaralan pa hanggang ngayon.
Nagbibigay ng kaalaman sa bawat isa at nagpamulat sa mga mata ng mambabasa.
Historikal – Ang mga tauhan at pangyayari sa teksto ay kinikilalang mga kaganapan sa isang tiyak na panahon.
Ito ay historikal sa kadahilanang:
- Ito ay makalipas ng labing tatlong taon matapos ang mga pangyayari sa Noli Me Tangere.
- Nagpapakita ng buhay ng mga Pilipino noong panahon ng kastila.
4. Tema O Paksa ng Akda
Ang nobela ay tungkol sa paghihiganti ni Simoun (ang panibagong identidad ni Crisostomo Ibarra). Ang pangunahing tema ng nobelang ito ay ang pagkakaiba ng paghihiganti at ang tunay na pagbabago. Ito rin ay nagpapakita ng sitwasyon ng mga Pilipino sa kamay ng mapang-abuso na mga Kastila.



                           Image result for simoun

5.  Mga Tauhan/Karakter sa Akda
Simoun - Siya si Crisostomo na nagbalik pagkatapos ng labintatlong taon bilang isang mayamang mag-aalahas. Lumagi ng mahabang Tales at katipan ni Basilio.
Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Isagani - pamangkin ni Padre Florentino at katipan ni Paulita Gomez.
Kabesang Tales - Ama ni Lucia, Huli at ni Tano. Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle; anak ni Tandang Selo.
Kapitan - nagkwento ng alamat ng malapad na batong buhay.
Kapitana Tika Asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang

Kapitan Basilio - isang mayamang kapitan sa bayan ng San Diego.

Lucia - Namatay na anak ni Kabesang Tales.

Macaraig - mayamang kaibigan ni Basilio at Isagani kasama sa hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila, na pinamumunuan niya.

Padre Camorra - batang pareng mukhang artilyero.

Padre Clemente - uldog ng mga prayle. Nagkamkam ng lupain ni Kabesang Tales.

Padre Florentino - Tiyo ni Isagani. nagmamay-ari ng bahay na pinagtataguang ni Don Tiburcio.

Padre Irene - kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.

Padre Salvi - ang tunay na kontrabida sa nobela na siyang nagtangkang kitilin ang buhay ni Ibarra.

Padre Sibyla tututol matuloy ang Akademya ng Wikang Kastila ayon kay Kapitan Basilio.
Paulita Gomez - pamangkin at pinangangasiwaan ni Donya Victorina. Kasintahan ni Isagani.

Quiroga - isang Tsinong mangangalakal na naghangad na magkaroon ng konsulado ang mga Tsino sa Pilipinas.

Sandoval - taga-Espanya na dumating sa Maynila na parang isang kawani.

Sinang - matalik na kaibigan ni Maria Clara, anak nina Kapitana Tika at Kapitan Basilio.

Tadeo  - Bulakbol sa pag-aaral, pinakahihintay ay ang panahong walang pasok.

Tandang Selo- Umampon kay Basilio sa gubat; Ama ni Kabesang Tales.

Tano - naging guwardiya sibil na anak ni Kabesang Tales.


Tiyo Kiko matandang Indio na matalik na kaibigan ni Camoroncocido.

Sila ang mga tauhan mula Kabanata 1 hanggang 10 . Ang karakter ay anyo ng taong lipunang ginagalawan. Iba’t-ibang katangian ang kanilang taglay. Iba’t-ibang pananaw ang kanilang handang ipakita.

                                     Image result for el filibusterismo
6. Tagpuan/Panahon
Isinulat ito labing tatlong taon makalipas ang pangyayari saNoli Me Tangere”. Ang mga tagpuan sa El Filibusterismo ay ang mga sumusunod: Kubyerta, Ibabang Kubyerta, Bapor Tabo, San Diego, Laguna, Lupa ni Tales, Lawa (kung saan sinasabing naganap angpagkamatayni Ibarra) at kung saan idinaos ang Noche Buena. 
                                      Image result for san diego noong unang panahon
7. Nilalaman o Balangkas Ng Mga Pangyayari

Ang nilalaman nito ay natatangi. Ito man ay luma, hanggang sa kasalukuyan naman ay nangyayari pa rin ang mga nilahad na problema katulad ng diskriminasyon, pagkalimot sa sariling wika, at kabilanin. Maraming aral ang matututuhan sa naturang akda tulad ng kahalagahan ng edukasyon, katapangan upang ipagtanggol ang mga karapatan, at ang masasamang epekto ng paggamit ng dahas upang ipaglaban ang ano mang adhikain o paniniwala.

                                   Image result for el fili book
8. Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda

Ang nobela ay nagtataglay at nagpapaliwanag  sa ating kaisipan maging pagbibigay kaalaman ukol sa pag-abuso ng Kastila. Ang akda ay ginamit na sandata ng manunulat at ng mga rebolusyonista. Ito ay makatotohanan at nagpapakita ng baluktot na pamamahala ng Espanya.

                                     Image result for espanyol drawing

9. Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

Epektibo ang naging paraan ng paggamit ng salita, ang iba man ay matatalinghagang salita, hindi pa rin nagbago ang mensahe ng akda. Masining na ipinahayag ang bawat pangyayari at maging banghay ng nobela ay nagbibigay-aliw at kaalaman sa mambabasa. Ang nobelang El Filibusterismo ay isang detalyado at maayos na binuo at isinulat.

                   Image result for feather ink
10. Buod
Kabanata 1 – Kubyerta
Ang baportabo” ay naglalakbay patungong Laguna mula sa Maynila at hirap na sa pag-usad dahil sa mga pulong.
Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta
Si Basilio, ay nakapag-aral ng medisina. Sa kabanatang ito, dito ipinakita ang pag-uusap ni Isagani, Basilio, at ng Kapitan.
Kabanata 3 – Mga Alamat
Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento.
Kabanata 4 - Kabesang Tales
Si Tandang Selo ang umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.
Kabanata 5 - Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.
Kabanata 6 – Si Basilio
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon.
Kabanata 7 - Si Simoun
Nabunyag ang tinatagong sikreto ni Simoun dahil siya’y nakita ni Basilio.
Kabanata 8 - Maligayang Pasko
Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.
Kabanata 9 - Ang mga Pilato
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.
Kabanata 10 - Kayamanan at Karalitaan
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.

PAGSASANAY: 

1.Sa Kabanata II, Si Basilio ay nakapag-aral ng _____.
2. Kailan inilimbag ni Jose Rizal ang El Filibusterismo?
3. Anong uri ng panitikan ang El Filibusterismo?
4. Siya ang ama ni Kabesang Tales.
5. Paano nabunyag ang tinatagong sikreto ni Simoun?
TAMA O MALI
6. Ang Lawa ang sinasabi kung saan namatay si Ibarra
7. Labing-isang taon makalipas nang isulat ang El Filibusterismo.
8. Si Paulita Gomez ang katipan ni Isagani.
9. Si Padre Florentino ang umampon kay Basilio.
10. Ang Tema/Paksa ng Akda ay patungkol sa paghihiganti ni Simoun.















No comments:

Post a Comment

Bawal ang anak na lalaki

  ‘ ’BAWAL ANG ANAK NA LALAKI’’ (No Sons! A Superhero Tale of Africa, Isang Epiko mula sa Congo)   Ni Aaron Shepard (retold) ...