"MULLAH NASSREDDIN"
ni M. Saadat Noury
Halaw at salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida
Si M. Saadat Noury ang nag sulat ng "Mullah, ang unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota". layunin nya para makalilala ng mga tao si Mullah Nassreddin na may malaking ambag sa panitikan ng mga Islam
2. URI NG PANITIKAN
Ito ay isang Biograpiya dahil nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon tungkol kay Mullah Nassreddin.
3. LAYUNIN NG MAY AKDA
Layunin ng akda ipakilala si Mullah Nasserdin na may malaking ambag sa panitikan ng Islam at may mga naisulat na panitikan na sikat sa daigdigang pampanitikan.
4. PAKSA
Ang paksa sa anekdota ng Mullah Nassreddin ay tao, mga taong kilala sa ibat-ibang larangan ng buhay. Upang ipabatid ang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Pinaksa dito ang naging gawi at kilos ni Mullah Nassreddin.
5. MGA TAUHAN
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang (MND) ang pinakamahusay sa pag kukuwento ng katatawanan nunit may mga aral sa kanilang bansa. Tinagurian din syang alamat ng sining sa pag kwekwento dahil sa mapag biro at puno ng katatawanang estilo sa pag sulat. Nag pa salin salin sa bibig ng mga tao ang kanyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.
6.TAGPUAN
Ang tagpuan ni Mullah Nassreddin sa kanyang mga Anekdota ay minsan sa entablado o minsan naman sa isang tea house.
7. Nilalaman ng Akda
Sa mga pangyayaring naganap, masasabi mong ito'y kakaiba. Dahil makikita't mababasa mo na puno o puro ito katatawanan na maaari mong paglibangan ng oras, ngunit kahit puno ito ng kakatawanan at ito'y napakatagal, mapupulutan mo pa rin ito ng aral.
8. Mga kaisipan mula sa mga Anekdota ni MND
a) Dapat tayo maging mapagkumbaba at tumanggap ng ating mga pagkakamali.
b) Ang kasinungalingan, kahit kailan, ay hindi mo ito maitatago.
9. ESTILO NG PAGSULAT NG MAY AKDA
Ang estilo ng pag sulat ay masasabing masining at epektibo dahil ito ay
nagbibigay ng kasiyahan, naging sikat at patuloy na tinatangkilik ng mga mambabasa mula noon hanggang sa kasalukuyan.
10. Buod
Si Mullah Nassreddin o Mullah Nassr-e Din ay kilala rin sa tawag na "MND" at isang taga Iranian na nagkukuwento ng mga katatawanan. Sinasabing naka pagsulat siya ng libo-libong nakakatawa at pag iisipang mga kwento. Ngunit inaangkin ng ibang bansa ang kanyang pagkaka mamamayan. Itinuturing siya bilang dalubhasa sa pagsusulat ng mga anekdota. Nagpasalin salin ang kanyang mga kwento sa mga programa, radyo, at mga palabas sa telebisyon sa iba't ibang bansa sa daigdig.
No comments:
Post a Comment