Friday, January 17, 2020

Bawal ang anak na lalaki


 ’BAWAL ANG ANAK NA LALAKI’’
(No Sons! A Superhero Tale of Africa, Isang Epiko mula sa Congo)
 Ni Aaron Shepard (retold)
 Isinalin ni Marina Gonzaga-Merida

PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Aaron Shepard ay isang manunulat , editor, ilustrador, at tagapagsalaysay ng mga libro ng mga bata at mga libro ng batang may sapat na gulang. The Magic Flyswatter: Isang Superhero Tale ng Africa, Retold mula sa Mwindo Epic.
       Ang mga nagtulak sa kanya upang maisulat ang akda ay ang mapagkilala sa mga storya ng ibang bata at dahil doon , naisipan niyang gawin ang storya na may halong aral at moralidad upang matuto ang mga bata...


URI NG PANITIKAN

•  Ang Uri ng Panitikan na ginamit sa kwento ay Epiko,Ang Epiko   ay     tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
•   Ang paksa ng mga Epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
LAYUNIN NG MAY-AKDA

•  Ang layunin ng may akda sa storya ay dapat pahalagahan ang mga anak na sinisilang sa ating mundo mapa babae man o lalaki dahil binigay na biyaya  ito ng Diyos.
•  At ipinapakita sa akda ang diskriminasyon sa pagitan ng babae at lalaki sa kulturang congo.

PAGLALAPAT NGTEORYANG PAMPANITIKAN

REALISMO - Dahil totoong nangyayari ito. Kahit na hindi masunod ang mga gusto natin.May mga anak talagang hindi nakakaramdam ng pantay na mag mamahal galing sa kanilaang mga nagulang
  HISTORIKAL Ito ay  naluluma ngunit         hindi nalalaos ang aral ng kuwento.

TEMA O PAKSA NG AKDA


    Ang tema ng akda ay ang tradisyon, paniniwala at kultura sa Africa mula Congo.
       Nangyari sa totoong buhay noon at ngayon paman. Mapagkukuhanan    ito ng  aral at pagpapahalaga ng relasyon ng ama at anak .
MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Mwindo- Nag-iisang anak na lalaki at tinangkang patayin ni She-mwindo, nakakapaglakad at na kakapag salita na ng isilang
She-Mwindo – Isang dakilang datu sa nayon ng Tubondo at ayaw sa anak na lalaki at mayroong pitong asawa na kung tawagin ay Polygyny.
Tiya iyangra– Kapatid ni She-mwindo,tiya ni Mwindo at kumopkop kay Mwindo ng ipatapon sa ilog.

 TAGPUAN O PANAHON

•  Ang tagpuan sa kwento ay umiikot sa nayon ng tubondo kung saan namumuno and datu na si She-Mwindo at kung saan isinilang si Mwindo.
•  Ito ay ibinase sa bansang makikita sa gitnang kanluran ng Africa, saCongo’’ ang bansang ito ay may makapal na kagubatan at kalahati ng lupain ay nasasakopan ng baging.
NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI
SIMULA:
    Sa nayon ng tubondo pinatawag ng datu nasi She-mwindo ang kanyang pitong asawa.Inanunsyo ng   datu na anak na babae lamang ang kanyang tatanggapin at kung  magkaroon siya ng lalaking anak ay    kaniya itong                papatayin.
      ang anim na asawa ay nanganak ng babae.Huling pinannganak si Mwindo na inilabas  sa pusod ng kaniyang ina.
•   TUNGGALIAN: dahil sa ingay ni Mwindo nasaksihan ng datu ang  kanyang anak na naglalakadnagsasalita at nakaiintindi kaya’t  sinibat ng datu ang sanggol.Hindi tinamaan ang  sanggol,    lahat ng paraan upang mapatay si Mwindo katulad ng paglilibing sakanya ng buhay at pagpapaanod sa  ilog ay ginawa ng kanyang ama. 
•   KASUKDULAN: lumaki si Mwindo sa piling ng kanyang Tiya Iyangura  hangang kalabaanin ni Mwindo ang kanyang ama kaya’t isinama ni Iyangura ang kanyang mga taga silbi,musikero at isang tambulero. nagsiawitan at nagsisayawan sila patungong nayon. Nagulat si She-Mwindo ng makita ang kanyang anak.
     Inutusan ni She-Mwindo ang mga kalalakihan na sibatin si mwindo ngunit hindi mapantayan ng mga kalalakihan sa nayon anng lakas ni mwindo.Nag tagumpay si mwindo. Nakatakas ang kanyang ama ngunit mas mabilis si mwindo kaya naabutan niya ang kanyang ama.
•   WAKAS:Bumalik sa  nayon ang mag-ama.Tinanggap na ng datu na anak niya si mwindo.Maging masaya ang lahat ng nasa nayon ng makita sila.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
•  Lahat ng anak mapa babae man O lalaki ay dapat mahalin at alagaan ng pantaypantay ng isang magulang.
•  Ang kaugalian ng mg taga Congo na magkaroon ng maraming  asawa ang lalaki o Polygyny.
 ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
•  Ang sinulat na epiko ay may estilong pasalaylaysay kung saan nakita ang naging buhay ni Mwindo.
•  May mga parte sa akda na  patula kung asan ipinapahayag ni Mwindo ang kanyang sarili.
BUOD
May isang datung naninirahan sa nayon ng Tubondo na si She-Mwindo. Mayroon siyang pitong asawa at gusto niya lamang magka anak na puro babae ngunit ang paborito niyang asawa ay nagsilang ng lalaking sanggol na si Mwindo na pinanganak ng nakakapagsalitaNakakapaglakad at nakakapagsayaw.Hindi nagustuhan ng datu ang anak na lalaki kaya pinagtangkaan nyang patayin si Mwindo subalit hindi nagtagumpay ang datu dahil may kakaibang taglay na lakas ito. Kinupkop siya ng kanyang tiya hanggang lumaki siya.Sa huli tinanggap
      Parin ni She-Mwindo ang nag iisa niyanganak        na lalaki.






PILIIN ANG LETRA NG ANGKOP NA SAGOT SA BAWAT PANGUNGUSAP.
 A. Congo D. Walo(8) G. She-mwindo J. MarinaGonzaga
 B. Epiko     E. Tiya Iyangura     H. Binondo            K.Tubondo  C.Pito (7)   F. Aaron shepard  I.Mwindo      L. Anim (6)
_____  1) Siya ang nagsalin ng akdang ito.
_____ 2) Ito ang bilang ng asawa ni She-Mwindo
_____  3)        Ito ang nayon kung saan nakatira ang       Datu at isinilang si Mwindo.
_____ 4) Ito ang uri ng pampanitikan ng kwento.
_____ 5) Siya ang datu na may maraming asawa at ayaw sa anak na         lalaki.
_____ 6) Sino ang may gawa ng akdang " bawal ang anak na lalaki“?
_____ 7) Siya ang kapatid ni She-mwindo at siya rin ang kumupkop kay Mwindo.
_____  8) Ayaw sa kanya ng kanyang ama at tinangka pa syang patayin.
_____ 9) Ito ang bansang pinagmulan ng kuwento.
_____10) Ito ang bilang ng asawa ni She-mwindo na may anak na babae.

Bawal ang anak na lalaki

  ‘ ’BAWAL ANG ANAK NA LALAKI’’ (No Sons! A Superhero Tale of Africa, Isang Epiko mula sa Congo)   Ni Aaron Shepard (retold) ...